Текст песни «1»

Исполнитель: Final

Текст

May posibilidad pa bang kami ay makapagtapos Pagkagising sa umaga diretso sa eskwela Iiwasang malate para hindi masermonan Kahit pagod sa training ako ay nasanay na Makikinig sa guro para may matutunan Pumipikit na ang mata upang antok ay labanan Minsan di pinasali sa group activity Kesyo wala din pang-ambag kaya di sinali Minsan di ginaganahan pumasok sa eskwela Kasi ba naman training umaga't gabi Halos wala ng oras dahil sa dami ng activity Maging sa relasyon sanay na kaming maiwan May mga tao pa rin ang babaw ng isipan Kasi sa isip nila kami ay hindi gaano katalino Hindi marunong makipagasabayan kahit kanino Hindi nila alam may tinatago kaming kakayahan Student athlete kami yan ang hindi mo alam May posibilidad pa bang kami'y makapagtapos Mabuhay ang athleta dito sa pinas Matatapang at determinado, hindi umaatras Kakayanin ang lahat mapanalo ang laro Pati sa pag-aaral kami ay pursigido (Last) Tuloy-tuloy ang pangarap hanggang makamit mo Bola Lapis at Papel ang aming ginagamit Kami y tinatawag nilang Student Athlete.